06 September 2009

HALAW KAY PAUL CURTIS

-

Si Sebastian, bago malagutan ng hininga
ay nag-usal ng kumpisal
sa mahal niyang asawa. “Victoria,
aking sinta”, lupaypay niyang nawika,
“patawarin mo ako
sa aking pagkakasala”. Tugon ng kabiyak
na gumon sa pag-iyak, “Ipanatag ang isip.
Sa halip ay maidlip, maidlip”.
Si Sebastian, sa kaniyang kalintikan
ay malumanay na nagsabi,
“Sa hukay, bago humakbang
ito ang aking masasabi:
Sa kapatid mong babae at lalo na
kay kumare; Oo, pati sa iyong ina
na higit sa 'yong kahali-halina --
lahat sila kasi-kasiping ko sa tuwina”.
Si Victoria, walang inis
at salaming malinis ang suot na mukha
ay nagbulong nang mahinahon
sa asawang nanghihina, "Sebastian,
lahat ng ito ay hindi na sikreto”.
"Kaya ipikit ang mata, ang iyong mata
ay ipikit ngayon. Maya-maya lang
tatalab na ang lason”.

7 comments:

  1. hahaha.. talagang pinaglaanan mo ng panahon ang sarili mong bersyon ah...

    mas maganda at pulido ito kesa dun sa bersyon ko... saka ang galing talaga ng mga hagod mo ng bawat titik at mga salita... SAKTO!

    sulat pa IDOL!

    ReplyDelete
  2. OMG! Great one Allan.

    Is this Paul Curtis the same guy who wrote Bud, Not Buddy?

    Beng

    ReplyDelete
  3. wahaha...so clever! i like your blogs! i'm also following you in shelfari that's why i come to know your site..so cool..keep it up

    ReplyDelete
  4. swabe ang hagod mo, bumenta pa rin, sige lang hehhe

    ReplyDelete
  5. http://ijap1012-darkangel.blogspot.com/ can u visit my blog tnx and can u also follow me hehe

    ReplyDelete
  6. Great version, Allan. Keep it up!

    Beng/shelfari

    ReplyDelete