(Halaw Kay Carl Sandburg)
Ilang ulit na akong pabalik-
balik dito, at ngayon sa aking pagkakatayo
nang sampung minuto, nakatitig
sa rebulto ng isang pamosong heneral
matikas na itinatanghal
sa ibabaw ng tansong kabayo, tangang mahigpit
ang rebolber at bandila, at sa gilid
ng sinturera, isang espadang bagong-hasa:
kumbakit nangangati ang aking guni-guni
na tibagin ito, at sa sinumang interesado
ang bawat tipak, ang bawat retaso
ay ibebenta ko nang por kilo.
Tatapatin ko kayo: ang magbubukid
at minero, ang nagtatrabaho
sa pabrika, ang mga bumbero
at pahinante ng trak, ang mga hamak
na mensahero -- sila muna
ang dapat ipagpagawa ng makintab na estatwa
bilang paghahayag ng kanilang ambag
upang parati, may mangangabngab ang bituka
upang palagi, may maisusuot na kamiseta.
Sila muna, silang bumubuhay at gumagawa
ang dapat kilalanin, sa halip na unahin
ang kapural ng pagpuksa. Kung kaya di ako mahihiya
sakaling ang pagkutya
ay medalyang nakaaspile sa puso
samantalang minamasdan ngayon
itong heneral ng hukbo, sakay
ng kabayong tanso, tangan
ang banderang dumuduro
sa moradong papawirin
habang kumukulapol ang dugo
sa bagong-sibol na bukirin.
30 December 2009
22 December 2009
SAMPAGITA
-
Gabi-gabi ay pinupupog ng sampagita ang aking ruta
pauwi galing opisina.
Sa Ortigas kanina, lantang talulot silang lulutang-lutang
habang napapabuntong-hininga ang busina
ng nakaprenong trapik sa EDSA. Sa karaniwang istorya,
inaabot natin silang nakikipagharutan sa sangsupot na himpapawid;
Lamang, guryon silang nahuhulog nang paulit-ulit
sa sandaling nalulukot ang araw at ang langit
ay nalulusaw sa kahel-pulang gaslaw ng neon. Tulad muli ngayon,
at ganitong di naman aksidente ang kanilang pagparito,
inuuna ko nang iselyo sa guni-guni ang nakasobreng katuturan
ng kanilang pagdami, upang bago pa man sila tumambak sa aking tabi
nang walang pag-iiba sa liham ng abuloy na dumarating
sa atin nang walang pasabi, naipihit ko na ang aking tingin
palayo sa mga bakal na barandilya; Walang pag-aalintana
nakikita mang tinatahak nila ang mga kalsadang
lubhang nagpapalawak sa kongkretong distansya
ng kaligtasan at disgrasya. Kung kaya kahit pasan nitong isa
sa kaniyang dibdib ang ga-daigdig na palahaw ng sumpunging kapatid,
di ko kailangang mabatid sakaling ang pagkapit niya sa buhay
ay singhigpit lamang ng paghawak ng mumunting kamay
sa panindang bulaklak; At kahit kinakalabit nila ang aking habag
sa makupad na pila, habang binubulatlat ng guwardiya sa mall
ang patalim na lihim nang nahasa
sa kaluban ng ating mga hinala, hindi ko mapapansin
ang pagsamong kanilang iniuungol
sukdulang ipangunyapit nila ito tulad ng di-agad-nabuburang libag
sa polong inalmirol; Kung isa sa kanila ang lalapit sa akin
upang magkuwento tungkol sa mga tungkos ng kutos at palo
dahil kapos na naman ang kanilang tuos sa puhunan at tubo,
malamang hindi rin ako matinag sa aking pagkakaupo. Sa halip,
panatag kong uubusin ang laman ng papel na puswelo,
habang matamang ninanamnam ang matabang na pakunsuwelo
ng pay slip na de-kinsenas. O kaya maya-maya sa sinasakyang bus,
kung ipagtulakan sila palabas
ng aburidong konduktora, at walang ibalik na sukli
sa inilalako nilang dalamhati
samantalang isinasakapalaran nila ang pag-uwi
upang ihimlay sa nangangalay na katre
ang kaluluwang paulit-ulit namamatay
sa matalim na ginaw ng alas-onse, ipagpapalagay ko
na lahat ng ito ay pawang arte
at malamang samantalahin nila ang ating awa
kung hindi ibibilad sa duda ang kanilang luha.
Pagpasok sa inuupahang kuwarto,
tiklop na ang gabi at walang ibang tao,
isisilid ko papasok sa nanlilimahid na eskaparate
itong pusong lubhang pinatitigas
ng lumalalim na lamig ng Disyembre,
tulad ng halungkag na rebulto
ng hulmadong Sto. NiƱo:
Lantang talulot ngayong dito'y palamuti,
kuwintas ng sampagitang dati'y puting-puti.

Subscribe to:
Posts (Atom)