22 July 2021

MGA BATA SA STA. ROSA

 

Lumiliyab sa katanghalian

ang makintab nilang balat.

Nalulusaw sa kilapsaw 

ng putik na malabnaw

 

ang kanilang anino:

animo manikang papel,

napunit sa pagkakapaskil

sa mga dingding na yero.

 

Manipis ang kanilang katawan.

Kulay gatas na panis

ang mga ngiping minsan lang

sumilip sa labing sugatan,

tila lupang kanilang kinalakhan.

 

Makunat ang kanilang tawanan

habang inililibing sa kusot

ang nangangamoy na pusang

pinulot lang sa daan.

PAUWI NA

  Kung gaya sana ng istorya ng mahabang baha, isinalaysay sa maikling kabanata   ang puno’t punto ng kuwento -- hindi kung paano ginunaw ng ...